ANO ANG GAGAWIN KAPAG ….. NAGAGALIT (ANGRY)
Kailan ka ba huling nagalit? Ano ang ginawa mo? Paano mo hinarap ito?
Napakahalaga na malaman mo ang mga gagwin kung ikaw ay nagagalit. Maraming bagay ang maaring mangyari kung ikaw ay nagagalit. Maari itong simulan ng gulo o problema, magkaroon ng mga kaaway, sumira ng mga pagkakataon at kahit magkasakit.
Ngunit sa pamamagitan ng maayos na paghawak ng iyong galit, maaari mong panatilihing kontrolado ang mga sitwasyon, pagtibayin ang pagkakaibigan, umani ng paggalang, at manatiling malusog.
“Ang kahinahunan ay nagpapakilala ng katalinuhan,ang pagpapatawad sa masamang ginawa sa kanya ay kanyang karangalan. (Mga Kawikaan 19:11)
Kapag nagagalit, sabihin mo lamang sa iyong sarili, "Isang kahangalan ang magalit. Wala akong makukuha dito maliban sa problema. Ang panandaliang kasiyahan ng pagpaparaya ay hindi katumbas ang mga paghihirap na aking mararanasan bilang resulta. "
Maglaan ng isang minuto at kausapin ang iyong sarili sa pagiging matino. Ang pamamaraan na ito ay magpapabagal ng iyong mga reaksiyon ng galit at tutulong sa iyo na itaas ang sarili sa mga pag iinsulto o pag iirita.
“Ang bawat tao ay dapat maging maagap sa pakikinig at maging mahinahon sa pagsasalita at hindi madaling mapoot. (Santiago 1:19)
Kung mas matagal kang mananatiling tahimik, magiging mas epektibo ang iyong mga reaksiyon. Huwag bumigkas ng matatalim na mga salita, huwag gawin mabilis ang tugon, huwag mag sulat ng di magandang liham (o kung gagawin mo ito, pilasin ito). Huwag magsalita. Manatiling tahimik. Huwag tumugon. Sanayin ang sarili sa isang ang mahusay na diskarte ng pag-antala.
“Kung magagalit man kayo, iwasan ninyo ang kayo'y magkasala. Huwag ninyong hayaang lumubog ang araw na galit pa rin kayo.” (Mga Taga-Efeso 4:26)
Bawasan ang iyong galit sa bawat gabi upang hindi ito maipon. Sa iyong mga panalangin, alisin ang anumang galit na maaaring tumagal sa iyong isip. Patawarin ang lahat; Bukas ay panibagong araw. Simulan itong sariwa, na may isip na nakatuon sa positibong mga bagay sa iyong buhay.
PARA SA EBOOK …. ANO ANG GAGAWIN KAPAG…..sa salamin ng BIBLIYA
CLICK NYO ITONG LINK. ----- http://bit.ly/2iWWypZ